Advertisers

Advertisers

Sunog sumiklab sa Tondo

0 10

Advertisers

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Dagupan St., Tondo, Manila nitong Sabado ng hapon.

Ayon sa spot report ng Bureau of Fire Protection-Manila, una itong itinaas sa unang alarma 4:40 ng hapon at agad na inakyat sa ikalawang alarma 4:48 ng hapon.

Idineklara itong fire out 5:43 ng hapon, halos isang oras ang makalipas.
Kwento ni Gigi de Guzman, residenteng nasunugan, kasalukuyan silang nasa loob ng kwarto nang makaamoy ng tila nasusunog na kable ng kuryente.



“Maya-maya may umusok na sa ano namin sa may pader. Ang lakas po agad ng usok. ‘Yung mga pamilya ko binaba ko po agad sila kesa naman masaktan kami,” aniya.

Ani de Guzman, wala sila naisalba na kahit anong gamit.



“Eh ‘di na po ako nakakuha ng gamit kasi mas importante yung buhay kesa sa mga gamit eh. Mapapalitan pa naman yan,” aniya.

Pero kanyang panawagan, “pero sana naman kung sino may mabubuting puso sana naman bigyan nyo po kami kasi wala po talaga kaming nasalba kahit ano po.”



Ayon naman kay Erwin Macasieb, kagawad ng Barangay 62, nangyari ang sunog kasabay ng palaro sa kanilang barangay.

Aniya mabuti na lang at may malapit na mga bumberong agad na rumisponde sa kanilang lugar.

“Syempre habang wala sila inaayos namin mga kalsada para mabilis yung pag dating,” aniya.

Magtatayo aniya muna ang barangay ng pansamatalang matutuluyan ng mga nasunugan habang nag-aantay ng tulong mula sa mga kinauukulan.

Patuloy pang iniimbestigahan ang bilang ng residenteng apektado, halaga ng pinsala, at sanhi ng sunog.(Jocelyn Domenden)