Advertisers
INILIKAS ng lokal na pamahalan ng Maynila ang ilang residente ng Baseco Compound, partikular ang malapit sa dalampasigan ng Manila Bay kungsaan nasa 10 pamilya ang dinala sa evacuation center.
Bagama’t walang pagbaha na naitatala, sobrang lakas naman ng alon kaya’t lumalagpas na ito ng sea wall.
Agad na inilikas ang mga pamilya para narin sa kanilang kaligtasan kungsaan patuloy silang inaalalayan ng lokal na pamahalaan.
Ang ibang pamilya ay nawalan ng tirahan at wala rin nakuhang mga gamit nang masira ang kanilang bahay, pero hindi sila nagtungo ng evacuation centers.
Sa sobrang lakas ng alon, bumaha sa bahagi ng Block 17 malapit sa sea wall ng Baseco Compound.