Advertisers
DAHIL sa lakas ng alon sa dagat bunga ng tropical storm Enteng, isang malaking barge ang sumadsad sa dalampasigan malapit sa mga kabahayan sa Barangay Wawa 2, Rosario, Cavite.
Laking gulat ng mga residente sa lugar sa pagkakasadsad ng nasabing barge dahil anumang oras ay maaaring tangayin ng malakas na alon ang barge at bumangga sa kanilang kabahayan.
Pinagtulungan itong hilahin ng Coast Guard subali’t nahihirapan ang mga ito dahil sa lakas ng alon at sumabay pa sa low tide ng dagat.
Napag-alaman na humahakot ng buhangin ang barge at isang lalaki ang nasa loob nito.