Advertisers
PUMASOK na ang baha sa Rizal provincial hospital na nasa Morong, Rizal.
Sa ulat, nakalusong na ang mga tao sa loob ng hospital na kulay brown na baha.
Bagama’t baha, nananatiling may supply ng kuryente.
Sinisikap pang alamin kung may mga pasyenteng inilikas o naapektuhan o may nakumpirmiso sa operasyon ng hospital.
Samantala, lagpas tao na ang baha sa Barangay Hulo, Pililla, Rizal.
Lumipat na ang mga residente rito sa mataas na bahagi ng kanilang bahay.