Advertisers
PITO katao ang sugatan sa halos 13 oras na sunog bago naapula nitong Linggo ng umaga, Sept.15, sa Aroma, Barangay105, Vitas, Tondo, Maynila
Nasa 1,700 pamilya ang nawalan ng tirahan at pansamantalang lumagi sa iba’t ibang pasilidad at mga pribadong lugar sa Tondo.
Ayon sa mga opisyal ng Brgy. 105, kabilang dito ang 2 covered court ng Brgy. 105, covered court ng Brgy. 106, pasilidad ng Office of the Vice President sa Brgy. 101, campus grounds ng Vicente Lim Elem School.
Bukod pa ito sa 2 gasolinahan na inookupa ng mga nasunugan, bangketa ng Mel Lopez Blvd. at Maginoo St. at center island. Hindi pa batid ang sanhi ng sunog. (Jocelyn Domenden)