Advertisers

Advertisers

‘POLVORON VIDEO’ NI MARCOS PEKE! – INDIAN EXPERTS

0 93

Advertisers

NAPATUNAYAN ng mga eksperto sa digital media at artificial intelligence na nakabase sa India na ginamitan ng AI ang kumalat na ‘polvoron video’ bago isinagawa ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).

Ayon sa Deepfakes Analysis Unit (DAU) na konektado sa Misinformation Combat Alliance (MCA), ang video ay ‘extensively manipulated’ para palabasin na si PBBM ang nasa video na gumagamit ng ipinagbabawal na droga.

Sinasabing ang mga nasa likod ng pekeng video ay gumamit ng tool na kung tawagin ay SensityAI at nakitaan pa ng senyales ng manipulasyon ng ‘face swap’, maliban sa AI tool na Hive.



Nabatid na mismong ang independent at award-winning social media unit na Vera Files ang nagpadala ng kopya ng video sa DAU, batay narin sa special report nina Celine Isabelle Samson at Bryan Daniele Manalang.

Samantala, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cesar Chavez na nilinis ng findings si PBBM mula sa mga mapanira o malisyosong tao na patuloy aniyang sumusubok siraan ang punong ehekutibo at du-ngisan ang kanyang reputasyon. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">