Advertisers
Ang lakas din naman ng loob nitong isang Construction Contractor na napaulat na nais nitong mapaglingkuran ang isang first class na Siyudad dito sa ating bansang Pilipinas, pero take note mga Ka Usapang HAUZ meron pala itong tinatagong baho na hindi alam ng mamamayan.
Huwag na po nating patagalin pa kung ano ang pinakakatagong sikreto ni Contractor na gustong maging Mayor, ayon sa sumbong ng ating espiya mayroong nilabag itong si Contractor sa tanggapan ng Department of Public Works and Highway (DPWH) at tila may proyekto itong napalpak kaya gayun na lang ang galit ng ahensiya.
Inalis o blacklisted na ang construction firm nitong si contractor na gustong maging mayor maging sa samahan ng mga contractor sa pilipinas kaya’t maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi na.puwedeng makakuha ng kahit anong construction project saan mang departamento ng gobyerno maging sa mga Local Government Unit (LGU).
Pero marami ang nagtataka na kung bakit hanggang sa ngayon ay patuloy ang pamamayagpag ni contractor na gustong maging mayor sa mga kontrata, oh baka naman nahilot na niya ang gusot sa tanggapan ng DPWH, Nahilot na ba?
Sa pagkaka-alam ng Usapang HAUZ ang may mga kaso o ang pagiging blacklisted ng mga contractor sa DPWH ay pinanghahawakan ng tanggapan ni Usec. Rogelio Bernardo, kaya’t mas makabubuting uriratin natin ang tanggapan ni Bernardo hinggil kay contractor na gustong maging mayor.
Kung blacklisted nga itong si contractor ay isantabi muna natin mga Ka Usapang HAUZ at bigyan naman natin ng kredito ang ginagawang mala Sta Clause nitong nangangarap na maging mayor, una sagad to the bones ang ginagawang medical mission kasama pa ang pamimigay ng ayuda.
Tuwang tuwa ang mga mamamayan ng isang Lungsod dahil lumabas ang pagiging matulungin ni contractor na gustong maging mayor kung kaya’t tila dinadaga na ang dibdib ni incumbent mayor sa daming natutulungan, may bonus pang sasakyan hehehehe.
Meron palang gustong ibahagi ang ating mga Ka Usapang HAUZ tungkol sa campaign manager nitong si contractor na gustong maging mayor, isa pala itong dating konsehal na nangarap na tumaas ang posisyon tumakbong Vice Mayor semplang muling nangarap maging kongresman semplang na naman kaya nga ang sabi ng mga nakapaligid kay contractor sarili niya nga hindi naipanalo magbibitbit pa.
Gusto nga ng ibang nakapaligid kay contractor na sabihan na itong gustong maging mayor na huwag masyadong sumunod sa mga kagustuhan ni konsehal dahil baka bandang huli hindi paitaas ang paghila sayo kundi pabagsak.
Sabagay sabi nga ng mga amuyong ni contractor na gustong maging mayor hayaan natin siya hindi naman natin pera ang ginagastos kung san siya masaya suportahan taka.
Teka lang pahabol para sa katanungan ng mga Ka Usapang HAUZ, ang tanong kung saan daw nanggagaling ang milyon milyong pisong ginagastos ni contractor na gustong maging mayor eh blacklisted naman sa DPWH?
***
Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag txt or tumawag sa 09352916036