Advertisers

Advertisers

Litrato ni ex-PNP Chief Acorda kasama ang ilang personalidad sa illegal POGO inilantad sa Senado

0 28

Advertisers

Iprinisinta ni Senadora Risa Hontiveros sa pagdinig sa Senado ang ilang litrato ni dating Philippine National Police Chief Benjamin Acorda Jr. kasama ang ilang personalidad na inuugnay sa iligal na illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sa ika-14 na pagdinig ng Senate committee on women, kinumpronta ni Hontiveros si Yang Jian Xin, kilala bilang Tony Yang, tungkol ng isang litrato kung saan kasama niya ang tatlong iba pa kabilang si Acorda.

Si Yang ay kapatid ng negosyanteng si Michael Yang, dating economic adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Pwede nyo bang ipaliwanag ang litratong ito. Meeting po ba yan? Sino ang mga kasama at ano ang pinag usapan nyo?” tanong ni Hontiveros.

Subalit paliwanag ni Yang, hindi ito isang pagpupulong kundi binisita lang nila si Acorda na police chief ng Cagayan noong panahon na iyon.

Nang tanungin kung sinong police chief ang tinutukoy niyo, sinabi ni Yang na si “Acola o Acoda”, ang tawag niya kay Acorda.

Sa pangalawang litrato, makikitang kasama ni Yang si Acorda noong regional police director pa ito ng lalawigan ng Cagayan. Aminado si Yang na matagal na silang magkakilala ni Acorda.