Advertisers

Advertisers

Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto, nag file na ng COC sa QC

0 31

Advertisers

Nakapag-file na ng ng certificate of candidacy sa Amoranto Sports Complex sina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto.

Kabilang sa mga nagpakita ng suporta ay si dating Mayor at Speaker Sonny Belmonte, 1st District Cong. Arjo Atayde at mga City Councilor

Saglit lang na humarap si dating Speaker Belmonte sa mga media pero Hindi ito nagpaunlak ng interview.



Sa kanyang mensahe, nagpasalamat itong si Cong. Atayde dahil sa kawalan umano ng makakalaban ang team Belmonte at naniniwala ito na buo pa rin Ang kanilang grupo na lulusot sa May 2025 National and local election.

Kabilang sa mga nag file ng candidacy sa pagka konsehal ang mga incumbent city councilors na kaalyado ni Mayor Belmonte .



Ang mga ito ay sina City Councilors Charm Ferrer, TJ Calalay, Bernard Herrera,
Gabriel Atayde at Majority floor leader Doray Delarmente mula sa District 1.

Mula sa District 2 ay sina City Councilor Fernando Michael “Mikey” Belmonte at Candy Medina at sa District 3 ay si City Councilor Gelyn Ge Lumbad , Wency Lagumbay at baguhang nais pumasok sa pagkakonsehal sa District 3 na si Chackie Antonio.



Nagsampa din bilang re electionist sa District 4 si Councilor Nanet Daza, Irene Belmonte at Egay Yap.

Sa District 5 ay nag file ng kanyang candidacy si Councilor sina Councilors Alfred Vargas at Aiko Melendez at artista na si Enzo Pineda na tumatakbo ding konsehal.

Wala pala namang nagsasampa ng kandidatura sa District 6.(Ernie Dela Cruz)