Advertisers

Advertisers

Lalaking Chinese na wanted sa trafficking at prostitution naharang ng BI-NAIA

0 13

Advertisers

INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaharang sa isang lalaking Chinese na wanted sa ahensya dahil sa umano’y pagkakaugnay sa human trafficking at prostitution.

Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ang 51-anyos na si Du Shuizhong ay naharang sa NAIA terminal 1 nitong Sept. 19 matapos magtangkang sumakay ng Air China flight patungong Chengdu, China.

Si Du ay hindi pinayagang makaalis at sa halip ay inaresto at dinala sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.



Ayon kay Viado, si Du ay itatapon pabalik sa China alinsunod sa deportation order na inilabas ng BI board of commissioners laban sa kanya noong Nobyembre ng nakaraang taon dahil sa pagiging undesirable alien.

Inilagay din siya sa blacklist at hindi na muling makakapasok ng bansa, dagdag pa ng hepe ng BI.

Lumilitaw sa records na si Du ay nauna ng sinampahan ng reklamo ng BI dahil sa pagiging undocumented at undesirability matapos mapag-alaman na siya ay nagtatrabaho sa isang establishment na ‘di umano’y may kaugnayan sa prostitution at labor exploitation.

Mananatili ang dayuhan sa facility ng BI hanggang sa maipatupad ang kanyang deportation. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)