Advertisers
Pormal nang naghain ng kanyang certificate of candidacy si Senator Nancy Binay sa Brgy. Valenzuela Community Complex sa lungsod ng Makati.
Kasamang niyang naghain ng COC ang kanyang running mate na si Monsor del Rosario.
Si Nancy Binay ay tatakbo bilang alkalde ng Makati habang Vice Mayor naman ang tatakbuhin ni Monsor del Rosario sa ilalim ng partidong United Nationalist Alliance.
Magiging katunggali ni Nancy Binay sa pagka-mayor ang asawa ni Abby Binay na si Luis Campos, habang magiging Vice Mayor nito ay si Kid Peña.
Samantala, dumating din si Junjun Binay para ipakita ang kanyang suporta sa kapatid niyang si Nancy Binay na tatakbo bilang alkalde ng Makati City.
Ayon kay Junjun nag-uusap usap na sila kasama ang kanilang amang si Jejomar Binay na suportahan ang bawat isa sa kanilang tatakbuhin posisyon. (CESAR MORALES)