Advertisers
HINIRANG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Rommel Jimiera Vallejo bilang Director IV o Assistant Director ng National Bureau of Investigation (NBI).
Batay sa appointment paper na may petsang Setyembre 27 at pirmado ni PBBM, ipinagkakatiwala nito kay Vallejo ang nabanggit na posisyon sa NBI na attached agency ng Department of Justice (DOJ).
Sa isang pahinang liham, ipinabatid naman ni Executive Sec. Lucas Bersamin kay Justice Sec. Boying Remulla ang pagkakatalaga kay Vallejo.
Papalitan ni Vallejo bilang Assistant Director ng ahensya si Leo Edwin Leuterio.
Samantala, iniluklok din ni Pangulong Marcos si Michelle Anne Baluyot Gonzales, bilang bagong Commissioner ng Presidential Commission for the Urban Poor.
Nabatid na papalitan ni Gonzales, dating Taguig City councilor, si Paolo Guanco. (Gilbert Perdez)