Advertisers

Advertisers

Alice Guo takbo uli mayor sa Tarlac

0 44

Advertisers

NAKATAKDANG maghain ng certificate of candidacy (COC) bilang re-electionist si dismissed Bamban Mayor Alice Guo.

Ito ang kinumpirma ng abogado ni Guo na si Atty. Stephen David sa isang ambush interview.
Ayon kay David, posi-bleng sa Oktubre 8, sa last day ng filing ng COC, maghahain ng kandidatura si Guo.

Paliwanag ni David, wala pa namang pinal na desisyon ang korte na nagsasabing hindi Filipino citizen si Guo, kaya maari pa rin itong makatakbo.



Dagdag pa ni David, hindi rin pinal ang desisyon ng Office of the Ombudsman na nagtatanggal kay Guo bilang alkalde, at sa katunayan ay may nakabinbin pa silang motion for reconsideration.

“Kasi right now, maraming negative publicity, marami rin nag-sy-symphatize, marami din naman siyang nagawang mabuti sa bayan ng Bamban. Marami pa rin nagmamahal sa kanya,” ani David.



Si Guo ay nahaharap sa patung-patong na kaso tulad ng qualified human trafficking at graft and corruption at tax evasion, kaugnay sa operasyon ng ilegal na POGO sa bansa. (Jonah Mallari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">