Advertisers

Advertisers

ENRILE, REYES, NAPOLES ABSUELTO SA PLUNDER

0 43

Advertisers

PINAWALANG-SALA ng Sandiganbayan Third Division nitong Biyernes si dating Senate President ngayo’y Chief Presidential Legal Counsel na si Juan Ponce Enrile para sa kasong plunder.

Ang kasong ito ay may kinalaman sa P172-million plunder case na inihain sa kanila na may kaugnayan sa pork barrel scam.

Kabilang sa pinawalang sala ng Sandiganbayan ang dating chief of staff ni Enrile na si Atty. Jessica “Gigi” Reyes at ang tinaguriang Pork Barrel Queen na si Janet Lim Napoles.



Batay sa desisyon ng anti-graft court, sinabi nito na nabigo ang state prosecutors na patunayang guilty si Enrile at iba pang akusado.

Sampung taon ang itinagal ng kaso matapos na sabihin ng Office of the Ombudsman na sapat ang mga ebidensya para sampahan ng kaso si Enrile, Reyes, Napoles at iba pang indibidwal sa Sandiganbayan.



Inakusahan si Enrile na mali nitong nagamit ang kanyang Priority Development Assistance Fund.

Ikinatuwa ng kampo ni Enrile ang pagpapawalang-sala sa kanyang kaso.



Si Enrile ay 100 anyos na. (Jonah Mallari)