Advertisers

Advertisers

Kathryn trending ulit ang bagong hairstyle; Miss D asang abutin pa ng Pasko ang serye

0 32

Advertisers

Ni Rommel Placente

ISA si Kathryn Bernardo sa mga young actress natin na may pinakamagagandang mukha.

Sa kanyang angking ganda, hindi na nakapagtataka na muli siyang magdulot ng salon craze.



Sa isang post ng isang kilalang Korean salon sa BGC na sikat sa mga celebrity clients, ipinakita nila ang bagong gupit ni Kathryn, at talagang nanggulat!

Bongga ang kanyang layered haircut na siguradong papatok sa kanyang mga tagahanga at magiging trend.



Libu-libong fans na nga ang pumuso sa nasabing litrato, at bumuhos din ang mga papuri sa comment section.

Marami ang nagsabi na bagay na bagay kay Kathryn ang short hair, at mas lalo pa raw lumutang ang kanyang ganda.



Anyway, sa Noverber 13 na ang showing ng Hello,Love, Again, na pelikula nina Kathryn at Alden Richards.

***

AYON kay Jillian Ward nang makusap namin sa finale mediacon ng hit afternoon series ng GMA 7 na Abot Kamay Na Pangarap, ang seryeng pinagbibidahan niya, hindi siya na-excite nung unang i-offer sa kanya ito. Hesitant siya na tanggapin ito.

Baka raw kasi hindi siya tanggapin ng kanyang mga faney sa role na youngest doktora.

Pero happy siya dahil maganda naman ang naging feedback sa kanyang role, at sa kanilang serye.

Mataas ang nakukuhang rating nito, kaya tumagal ito sa ere ng mahigit dalawang taon.

Samantala, kasama si Dina Bonnevie sa AKNP.

Naging emosyonal siya sa kanilang mediacon dahil sa nalalapit na pagtatapos nito. Hanggang sa October 19 na lang ito mapapanood sa GMA 7

Naging close na kasi si Dina sa kanyang co stars at sa staff, kaya masakit para sa kanya na malapit na silang maghiwa-hiwalay. Ang akala nga niya ay aabutin pa ng Pasko ang kanilang serye. Hindi nga napigilan ni Dina na mapaluha.