Advertisers

Advertisers

Truck vs van: 2 patay, 4 sugatan

0 12

Advertisers

Nagkalasug-lasog ang katawan ng dalawang pasahero ng van nang sumalpok sa kasalubong na wing van truck na ikinasugat ng apat pang katao sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Zone-3, Brgy. Agos, Polangui, Albay.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang si Mary Jadehi at nalagutan naman ng hininga habang nilalapatan ng lunas ang kapwa pasahero na si Nilo, isang minor; pawang residente ng Sorsogon.

Sugatan naman ang dalawa pang pasahero at ang kapwa driver ng van at trak.



Sa ulat, 11:30 ng umaga mabilis na binabagtas ang highway ng L-300 Van (NIL-7985) na minamaneho ng isang “Jepoy”, 42, sakay ang apat na pasahero. Gayunman, pagdating sa lugar ay nag-overtake ito sa sinusundang sasakyan kaya naokupa nito ang linya ng kasalubong na Isuzu Forward Wing Van (NGS-5450) na minamaneho ni Wally, 28-anyos.

Dito na nagkabanggaan, kaya sa lakas ng impact, nawasak ang van at ang unahang bahagi ng trak.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">