Advertisers
Ikinaalarma na ng mga residente sa bayang ito ang sunod-sunod na insidente ng pagnanakaw ng baka sa Surallah, South Cotabato.
Ayon kay Barangay Tubi-Ala Kagawad Gary Elegano, isang residente ang nagsumbong sa kanila kaugnay sa sinapit ng alagang baka nito, kung saan, kinatay at tanging mga laman-loob na lamang ang iniwan ng mga suspek.
Sa salaysay umano ng may-ari na si Vicente Tudoc Jr., 5:00 ng madaling araw noong Biyernes, October 4, nang madiskubre nito ang sinapit ng alagang hayop.
Ayon kay Kag. Elegano, ito na ang pangalawang magkasunod na insidente ng pagnanakaw at pagkatay ng baka sa kanilang lugar.
Nakikipag-ugnayan na rin ang barangay sa kapulisan kaugnay sa ginagawang imbestigasyon upang matukoy ang nasa likod ng nasabing insidente.