Advertisers

Advertisers

P200m puslit na karne winasak

0 19

Advertisers

Aabot sa may P200 milyon halaga ng puslit na karne ang sinira ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang treatment storage and disposal facility sa San Ildefonso, Bulacan.

Nabatid na nasamsam ang mga naturang frozen products sa isang cold storage facility sa Marilao, Bulacan, noong Setyembre 27 nang madiskubre na ibinebenta ang mga karne online.

Taliwas umano ito sa claim ng kompanya na ang pasilidad ay isa lamang ice plant.



Inatasan ni NBI Director Jaime Santiago ang mga tauhan na sampahan ng kaso ang may-ari ng pasilidad kung hindi maganda ang kanilang paliwanag.

Ayon kay Santiago delikado umano na makain ang karne kaya dapat na sirain ang mga ito.



Kaugnay nito, nagbabala si Santiago laban sa mga kompanya na sangkot sa iligal na importasyon partikular na ngayong ‘ber’ months.

“‘Wag na nilang ipagpatuloy ‘yung ganitong negosyo at hindi namin titigilan ang aming cyber patrolling, mahuhuli’t mahuhuli namin sila at lalo ngayon meron na tayong bagong batas na life imprisonment plus a fine times 5 of the value,” dagdag ni Santiago.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">