Advertisers
Kapwa tadtad ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nang matagpuan ang 84-anyos na biyuda at kasambahay nito sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Niugan, Cabuyao City, Laguna nitong Sabado ng umaga.
Kinilala ang mga biktima na sina Pascualita Caunin at Rhealyn Roqueno, 18.
Sa imbestigasyon, si Estelita umano na kapatid ni Pascualita, ang nakakita sa duguang mga katawan ng biktima sa pamamagitan ng closed-circuit television camera at agad na ini-report sa pulisya.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at sinusuri na ang CCTV footage para matukoy ang suspek.