Advertisers

Advertisers

‘Safehouse’ ni VP Sara inupahan ng P500K at P750K

0 22

Advertisers

SA pagdinig ng House Committee on Good Governance and Public Accountability nitong Huwebes, Oktubre 17, ipinakita ni Antipolo City Representative Romeo Acop ang larawan ng mga acknowledgement receipt ng binayaran diumano ng Office of the Vice President (OVP) para sa pag-upa ng mga “safehouse”.

Makikita sa mga acknowledgement receipt na may petsang December 21, 2022 na isinumite ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte ang halagang P500,000 na ibinayad sa rental ng safehouse na ginamit ng 11 araw.

Habang sa isa pang acknowledgement receipt, may petsang December 22, 2022, may amount na P750,000 ay ginamit din umano sa pag-upa ng safehouse ng OVP.



Samantala, aminado ang kinatawan ng Commission on Audit (COA) na wala silang kaalam-alam kung ano ang itsura ng mga safehouse na inupahan ng OVP na ikinagulat ni Acop.

“No information, Mr. Chair,” sinabi ni Atty. Gloria Camora, team leader ng audit team na nag-imbestiga sa P125 milyong confidential fund ng OVP na natunaw sa loob ng 11 araw noong Disyembre 2022.