Advertisers
Patay ang isang kapitana at ang inupahan nitong rider nang pagbabarilin ng nag-iisang gunman sa Barangay Bagabao, Leyte noong Huwebes.
Kinilala ang mga biktima na sina Barangay Mataloto, Leyte chairwoman Mary Ann Bacunawa at isang alyas ‘Mar’, motorcycle-for-hire driver.
Sa ulat, pabalik na sa Barangay Mataloto mula Bagabao ang mga biktima nang sumulpot ang isang lalaki na may taas na 5’3”, may payat na pangangatawan, nakaitim na sando at pantalon, naka-bonnet na may mahabang buhok at agad silang pinagbabaril.
Nang kapwa duguang bumulagta ang mga biktima, mabilis na tumakas ang salarin patungo sa direksiyon ng Barangay Bagabao at Libertad sa Kananga, Leyte.
Dead on the spot si Bacunawa dahil sa mga tama ng bala sa ulo habang binawian naman ng buhay sa ospital si Mar.
Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang Leyte Municipal Police Station (MPS) sa motibo ng pamamaril at pagkakakilanlan ng suspek.
Naglatag na rin ng mga checkpoint ang Leyte Police Provincial Office para sa ikadarakip ng salarin.