Advertisers

Advertisers

Aktor, timbog sa kasong pagpatay

0 21

Advertisers

Nadakip sa isang aktor sa loob ng motel nang barilin ang isang lalaki sa Bgy. Sagad, Pasig City nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang naaresto na si John Wayne Sace, 37-anyos.

Sa ulat, natunton ng pulisya ang kinaroroonan ni Sace sa mabilis na aksyon ng Pasig Elite Police at sa tulong ng ilang mamayan.

Ayon sa report, binatin ni Sace ang 43-anyos na lalaki sa Pasig City nitong Lunes.

Sinabi ni Eastern Police District Officer-in-Charge Col. Villamor Tuliao, na pinagbabaril ni Sace, ang biktimang hindi pinangalanan 7:30 ng gabi habang nag-uusap sila sa bahagi ng Feliciano St., Barangay Sagad na naturang lungsod.

Hindi naman nabanggit ang motibo sa pamamaril ni Sace sa biktima.
Isa sa limang basyo ng bala na nakuha ng mga imbestigador sa crime scene ang naging sanhi ng kamatayan ng biktima.

Nakakulong na ngayon sa Pasig City Police Headquarters si Sace na dati nang umaming naging sugapa o nalulong sa bawal na gamot.

Naging bahagi si Sace sa iba’t-ibang palabas sa telebisyon kabilang ang “Wansapanataym,” “May Bukas Pa,” “Guns and Roses,” at “Forevermore.”

Samantala, nagkaroon din ng pagkakataong kinilala din ang husay niya sa Metro Manila Film Festival 2002 sa pelikulang “Dekada ‘70.”