Advertisers

Advertisers

13K sa 30K na mga dayuhang POGOS, downgraded na – Viado

0 17

Advertisers

NASA 13,000 mula sa 30,000 dayuhang nagtatrabaho sa Chinese-owned offshore gambling firms ang boluntaryong nagpa- downgrade na ng kanilang visa sa temporary visitor visas para makapanatili sa bansa hanggang December 31, 2024.

Sa pakikipagpulong sa mga miyembro ng Immigration Press Corps, sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado na ang foreign workers sa lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators (Pogo) na nabigong magpa-downgrade o umalis ng bansa sa December 31 ay aarestuhin at idi-deport.

“Those who failed to downgrade their visas before the October 15 deadlinelk will be included in the BI’s blacklist and arrested, while foreigners who voluntarily downgraded their visas can have a chance to return to visit the country,” ani Viado.



Matatandaang iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga foreign POGO workers na umalis na ng bansa sa katapusan ng taon.

Ayon pa kay Viado, sa kabila nang nagtapos na ang October 15 deadline, ang ahensya ay tatanggap pa rin ng POGO workers na maga-apply para sa visa downgrading pero isasama na sila sa blacklist ng BI.

“However, they can return and visit the country but with some conditions,” saad pa ni Viado.

Ang POGO ay ipinagbawal na dahil sa kanila umanong kaugnayan sa mga krimen gaya ng kodnapping, human trafficking at financial scams. Ang gaming regulators naman ay binigyan ng hanggang katapusan ng taon upang tuluyang isara ang mga POGO nila.

Libo-libong mga Chinese, Vietnamese at iba pang mga dayuhan mula Southeast Asia ang iligal na nare-recruit sa pangakong may malaking sweldo pero kalaunan ay napipilitang magtrabaho sa ilalim ng masaklap na kundisyon maliban pa sa pinagbabantaang sasaktan kapag ‘di sumunod at magtatangkang tumakas.

Ang mga dayuhang POGO workers na mananatili sa bansa ng lagpas sa dalawang buwang palugit ay aarestuhin at idi-deport, sabi pa ni Viado. (JERRY S. TAN)