Advertisers

Advertisers

Babaeng pipi at bingi tinodas ng takbong konsehal

0 14

Advertisers

Nasawi ang isang babaeng pipi at bingi nang pagbabarilin ng isang kandidato sa pagka-municipal councilor sa Sitio Pitao, Barangay Bagalay, Tayum, Abra noong Linggo ng gabi, Oktubre 27.
Kinilala ang biktima na si Florida Teneza, 39-anyos.

Ayon kay Tayum chief of police Michael Joe Dasalla, pinasok ng salarin na si Bobby Briosos ang bahay ng biktima at makailang ulit na pinagbabaril ito.

Namatay noon din ang biktima habang tumakas ang salarin, ngunit naaresto rin kalaunan sa kanyang bahay sa isinagawang follow-up operation.



Sa ulat, dati umanong security guard si Briosos at tumatakbo sa pagka-konsehal sa munisipalidad sa ilalim ng Asenso political party.

Iniimbestigahan pa ang motibo ni Briosos sa ginawang krimen.