Mayor Bayron sa world paddlers delegation… TRATONG ‘PRINCE AT PRINCESS’ SA PUERTO PRINCESA
Baywalk – Tiniyak ng pamahalaan ng Puerto Princesa City ang isang mapayapa at kampanteng pamamalagi ng mga bisitang delegasyon ng dragonboat mula iba’t- ibang panig ng mundo at sa mga lokal na pambatong kalahok sa ICF World Dragonboat Championsip na raratsada dito sa baybayin ng Puerto Princesa.
Sa idinaos na media presentation at welcome ceremony kahapon sa Hue Hotel na dinaluhan nina International Canoe Federation president Thomas Konietzko, ICF Dragonboat Commission chairman Dr. Wai Hung Luk, Philippine Canoe Kayak and Dragonboat Federation president Leonor Escollante at ni Puerto Princesa host/ Mayor Lucilo Bayron, tampok sa preparasyon ng huli ang matiwasay na pananatili ng mapayapa ,enjoy na maituturing na home away from home ang sa halos isang linggong pakikipagtunggali at pamamasyal sa world renowned tourist destination na Puerto Princesa.
“Welcome paddlers, official and delegates to our city and enjoy the hospitality we’ll provide in your almost a week of staycation , fun and fierce competition at the baywalk here in one of the safest city in our country today.Feel at home dear visitors in our weeklong sports tourism event”, pahayag ni Mayor Lucillo Bayron.
Sinabi naman ni PCKDF president Escollante na handa na ang làhat sa bakbakan sa Baywalk ng 1400 paddlers mula 27 bansa sa 52 events na pagtutunggalian mula ngayon sa pagbubukas ng day one sagwanan.
“ Although malalakas ang mga katunggali ay advantage ang national team natin dahil Setyembre 16 pa lang ay narìto na sila , acclimatize at kabisado na ang courses ng karera.Laban lang!” , ani Escollante.
Pinuri naman ni Konietzko ang Puerto Princesa na isa sa mga cleanest city na napuntahan niya kaganapang ICF- sanctioned. (Danny Simon)