Advertisers
PINAYAGAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagdaan ng provincial buses sa EDSA simula nitong Miyerkules, October 30 hanggang sa November 4.
Sa gitna ito ng inaasahang pagbuhos ng mga pasaherong uuwi sa mga probinsya ngayong Undas.
Ang mga bus mula Hilagang Luzon ay papayagang huminto sa mga terminal sa Cubao, Quezon City habang ang mga galing South Luzon ay papayagan lamang hanggang sa PITX.
Samantala, magde-deploy ang MMDA ng 1,257 na mga tauhan para tiyakin ang kaayusan sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero lalo na sa mga terminal ng bus sa kahabaan ng EDSA.
Una rito, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na hindi bababa sa 1,200 public buses at utility vehicles ang nabigyan ng special permit alinsunod sa trapiko sa Undas.