Residente hinikayat ni Director Bong Marzan na makiisa sa Brgy Assembly

Advertisers
HINIKAYAT ni Asenso Manileño candidate for Councilor sa ika-apat na Distrito ng Maynila na si Director Bong Marzan ang lahat ng mga residente ng barangay sa 2nd Semester CY 2024 Barangay Assembly.
Ayon kay Marzan na incumbent Chairman din ng Brgy. 497, ang theme para sa Barangay Assembly ngayong taon ay: ” Talakayan sa Barangay Aktibong Diskusyon ng Pamayanan Tungo sa Masigla at Maunlad na Bagong Pilipinas”.
Nabatid pa na ang 2nd Sem Brgy Assembly ay may mandato ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Marzan na isa ring professor ng San Beda College at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), mahalaga para sa mga residente ng barangay na dumalo at makiisa sa Barangay Assembly upang magkaroon siya ng kaalaman sa kung ano ang ginagawa ng kanilang barangay.
Sinabi ni Marzan na sa barangay assembly din pinag-uusapan at ipinaalam ng mga opisyal ng barangay ang estado ng kanilang pondo, kung saan ito ginugugol at kung anong proyekto ang pinaglaanan nito.
Nabatid pa kay Marzan na sa ilalim ng Local Government Code ang lahat ng barangay ay required na magsagawa ng Barangay Assembly sa bawat semester ng taon sa ilalim upang ipaalam sa kanilang mga nasasakupan kung ano ang kanilang ginawa at gagawin pang proyekto. Dito ay malayang makapagtatanong ang isang residente kung ano ang nais niyang malaman tungkol sa barangay at kung mayroon siyang pagtutol sa ginagawa ng barangay officials.
Samantala, muling nakiisa at tumulong si Marzan sa ginawang payout ng may 1000 beneficiaries ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at House Speaker Martin Romualdez.
Ang nasabing payout na ginanap sa Nazareth Covered Court kung saan kabilang ang mga street sweeper, mga miyembro ng Lupon ng Barangay at mga nagda-dialysis sa tumanggap ng halagang P2,000 bawat isa.
Sa isinagawa namang citywide “‘Kalinga sa Maynila'” forum ni Mayor Honey Lacuna sa District 4 nitong Martes ng hapon na ginanap sa Honradez St, ay nakiisa rin si Marzan sa nasabing fora kung saan mayroon siyang sariling booth at may mga staff na namimigay ng nilagang itlog at saba con yelo na may sago sa mga residenteng dumalo sa regular weekly forum.
Ioinagmalaki ni Marzan na sa tuwing may ‘Kalinga,’ ang mga residente ng scheduled barangays ay nagkakaroon ng pagkakataong makakuha ng maraming serbisyo na karaniwang dahilan kung bakit nagpupunta ang mga tao sa Manila City Hall.
Ang gagawin lang ay pumunta sa stall na nagbibigay ng partikular serbisyong kailangan. Ang lahat ng ito ayon pa kay Marzan ay libre.
Sinabi ni Marzan na ang bawat stalls ay tinatauhan ng mga kawani mula sa departments, bureaus o offices na nag-alok ng serbisyo tulad ng free checkups and medicines; vaccination of pets; replacement or processing of IDs and purchase booklets para sa senior citizens, PWDs, solo parents, birth, marriage at death certificate din.
Naroon din ang ang city’s public employment service office upang magbigay ng job opportunities para sa mga unemployed. (ANDI GARCIA)