Advertisers

Advertisers

TRO ng SC sa PhilHealth fund transfer, pinuri ni Bong Go

0 8

Advertisers

PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, ang pagpapalabas ng Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) na humahadlang sa paglilipat ng sobrang pondo ng PhilHealth sa National Treasury.

“This is one big win for the Filipino people! Sulit ang ating pangungulit!” ani Go sa pagsasabing ang mga pondo ng pampublikong kalusugan ay dapat na gamitin lamang sa kalusugan at kagalingan ng mga Pilipino.

“We thank the Supreme Court for heeding the calls to temporarily stop the illegal and immoral transfer of health funds from PhilHealth to finance projects unrelated to the health and wellness of our people,” dagdag niya.



Ang utos ng Korte Suprema ay kasunod ng tatlong petisyon na nagsasaad na ang transfer ay magpapanghina sa sektor ng kalusugan. Nilinaw ni Supreme Court spokesperson Atty. Camille Ting na habang pinipigilan ng TRO ang nasabing paglilipat, ang mga pondong na-tranfer na sa Treasury ay hindi awtomatikong maibabalik. Nitong Oktubre, ang Department of Finance (DOF) ay naglipat na ng P60 bilyon, at isa pang tranche ang inaasahan sa Nobyembre.

Ang desisyon ng Korte Suprema, sabi ni Go, ay ayon sa kanyang patuloy na panawagan na pangalagaan ang mga pondong inilaan para sa pangangalagang pangkalusugan.

Ipinaabot niya ang kanyang lubos na pasasalamat sa korte sa pakikinig sa concerns na iniharap sa mga pagdinig ng Senate committee on health, kinabibilangan ng mga testimonya mula sa mga ordinaryong mamamayan na dapat panatilihin ang mga pondong ito sa loob ng PhilHealth upang matugunan ang mga kritikal na isyu sa kalusugan.

“Ang pondo ng PhilHealth ay para sa Health!” iginiit ni Go, na idiniin na ang mga pondong ito ay mahalaga para matugunan ang mga medikal na pangangailangan ng mga Pilipino, partikular na ang mga mahihirap.

“Pero hindi dito nagtatapos ang ating krusada para sa kalusugan at kapakanan ng ating mga mamamayan. Hindi ko titigilan ang PhilHealth hanggang tuparin nila ang lahat ng kanilang pangako,” ani Go.



Kasama na rito ang pagtataas ng kanilang case rates; pagpapalawak ng benefit packages; pagbaba ng premium contribution; pagkakaloob ng emergency at preventive care; pagbibigay ng dental at visual care, libreng gamot, assistive devices at iba pang pangangailangang pangkalusugan sa mahihirap; pagsasaayos ng outdated policy bukod pa sa 24-hour confinement rule at single period of confinement policy na kanilang nirepaso kamakailan, at marami pang iba.

Layon ni Go na pukawin ang mga isyung ito sa mga pagdinig ng Senado na nakatakada sa Nobyembre, na nagsusulong ng karagdagang reporma upang matiyak na ganap na magagamit ng PhilHealth ang mga pondo nito upang mapabuti ang access sa healthcare sa buong bansa.

Sinabi niya na ang TRO ay magbibigay ng higit na determinasyon sa kanya na ipaglaban ang pangunahing karapatan sa kalusugan ng bawat Pilipino, lalo na ng mga mahihirap.

Muling idiniin ni Go na ang pondo ng PhilHealth ay para sa kalusugan, hindi para gamitin sa ibang bagay at hindi puwedeng isakripisyo ang kapakanan ng mga Pilipino.