Dayuhan at lokal na delegasyon ng World Dragonboat tilt sa Puerto Princesa, ekselente ang grado kina Bayron at Escollante
PUERTO PRINCESA-Pinuri ng mga delegasyon ng nagsilahok na bansa ang pamunuan ng host Puerto Princesa City at organisador ng dambuhalang kaganapang pang- mundo na Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation dahil sa matagumpay na pagdaraos ng ICF World Dragonboat Federation na idinaos dito sa Baywalk ng tanyag na lungsod.
Mangha at paghanga ang nai bulalas ng mga dayuhan at lokal na delegasyon magmula sa paddlers, coaches, opisyales, enthusiasts at turistang sumaksi sa world dragonboat na nakaranas ng tanyag na hospitality sa punong – abalang lungsod na kabisera ng Palawan dahil naging tahanan nila ito nang malayo sa kanilang tahanan.
Nagpupugay sila sa liderato ni Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron dahilan sa ekselenteng. pagmantini ng maayos, mapayapa at malinis na kapaligiran sa buong kalunsuran.
Partikular din ang seguridad na ipinatupad sa siyudad lalo na sa pinagdausang Baywalk na isang modelong tourist destination.
“ We are very safe here at nice and clean city of Puerto Princesa ,we felt home away from home. Congratulations to the host and organizer of this momentous event”, papuri ng mga top paddlers ng mga bansa bago ang awarding ceremony kahapon.
Saludo sila sa organisador sa pamumuno ni PCKDF president Len Escollante dahi³ sa sistematiko at walang anumang naging untoward incident sa kasagsagan ng karera at lahat ay nakangiti talo man o wagi lalo sa teknikal na aspeto.
Tampok sa apat na araw ng tunggalian sa katubìgan sa Puerto Princesa ay ang paghakot ng medalya ng Pilipinas na nilahukan ng 26 pang bansa mula Europe, USA at Asia at ang pagkabasag ng national team ng Pilipinas sa dati nitong record na naitala sa katulad na torneo noong 2018 sa Georgia, USA kung saan ay national coach noon si Escollante.
Ang ICF World Dragonboat tilt dito na qualifying event para sa World Games 2025 sa Chengdu , China ay suportado ng Philippine Sports Commission , Tingub Party List at Lacoste watches. (Danny Simon)