Advertisers

Advertisers

Bgy. kagawad at bookkeeper, kritikal sa pamamaril

0 11

Advertisers

Kritikal ang isang kagawad at isang barangay bookkeeper sa walang habas na pamamaril sa Cotabato City, Sabado, November 2, 2024.

Kinilala ang mga biltima na sina Jordan Kalipa, 47-anyos, kagawad sa naturang barangay; at Virlie Joy Quijano, 33-anyos, at bookkeeper ng kanilang barangay office.



Sa ulat, nagpapalipas ng oras sa loob ng isang tindahan sa Virgo Subdivision sa Barangay Rosary Heights 9, Cotabato City nang lapitan ng mga armadong lalaki at binaril ng ilang beses.

Sa inisyal na ulat nitong Linggo ng Cotabato City Police Office at ng tanggapan ng Brig. Gen. Romeo Jaime Macapaz, mabilis na nakatakas ang mga bumaril kay Kalipa at Quijano na agad namang nadala sa hospital ng mga barangay emergency responders at mga pulis na nagresponde sa insidente.

Ayon kay Macapaz, nagtutulungan ang mga barangay officials sa Rosary Heights 9 at mga imbestigador ng city police force sa pagkilala sa mga responsable sa pamamaril kay Kalipa at Quijano upang agad na masampahan ng kaukulang mga kaso.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">