Patay ang finance at logistic officer ng Communist Terrorist Group (CTG) nang makasagupa ang tropa ang pamahalaan, iniulat nitong Nobyembre 3 sa bayan ng Libacao,Aklan.
Kinilala ang napatay na si si Alvin Panoy, alyas Jake/Vinmar, 30-anyos, Finance and Logistic Officer (FLO) ng Squad II, Igabon Platoon, Central Front Komiteng-Rehiyon Panay at residente ng Lemery, Iloilo.
Ayon kay MGen Marion R Sison, Commander ng 3rd Infantry (Spearhead) Division, naganap ang engkuwentro noong Huwebes sa barangay Manika, ng naturang bayan.
Aniya, nakatanggap sila ng report mula sa mga residente hinggil sa presensya ng mga armadong komunistang grupo sa naturang lugar.
Sa pagresponde ng militar sa nasabing lugar agad silang sinalubong ng mga putok ng baril ng teroristang grupo na nauwi sa 10-minutong bakbakan.
Tinamaan si Panoy sa katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Dinala naman sa Navejas Funeral Home, Libacao ang bangkay ng biktima at nakatakdang ihatid sa kanyang pamilya sa Lemery, Iloilo.