Advertisers

Advertisers

Kalinga ang kailangan sa Maynila

0 30

Advertisers

Noon pa man ay laging kalinga, pagmamalasakit, pagmamahal at unawa sa abang kalagayan ng lahat ang inihahandog ni Yorme Isko Moreno.

Nakita ni Isko ang problema ng “mga yagit” o mga Manilenyo na walang bahay noong binigyan siya ng pagkakataon maging alkalde mula 2019 hanggang 2022 kaya mabilisang ipinatupad ang malawakang pagpapatayo ng pabahay para sa mahihirap: vertical housing sa San Sebastian, San Lazaro, Pedro Gil, bukod pa ang Tondominiums, Binondominium at Baseco Community.

In less than 3 years, naipatayo ang mga pabahay na ito sa siyudad na hindi pa mapapantayan ng sinomang naging alkalde ng Maynila, at ito ay sa panahon pang maraming balakid, kalamidad at ang mapinsalang COVID-19 pandemic.



Ipinakita ni Yorme Isko ang paglikha ng klima ng pagtitiwala, at ipinaramdam sa mga Manilenyo na dapat sila ay minamahal at hindi pinagsasamantalahan.

Kaya naman ngayong babalik na si Yorme ay damang-dama ang pagpapakita ng suporta ng mga Batang Maynila sa pag-iikot at mga townhall meetings, sa mga pagtitipon, kusa ang pagpunta o pagsugod nila sa konsultasyon para pakinggan si Isko sa kanyang mga inihandang programa at solusyon sa mga problema ng siyudad.

Hindi isda at tinapay na isusubo ang inaalok ni Yorme Isko: ang iniaalok niya ay pagtitiwala sa sarili, ang pagbabalik ng pag-asa sa mga taga-lungsod na kung sama-sama, at nagkakaisa, ang nabalahong gulong ng pagsulong ng Maynila ay maiaahon at maibabalik ito sa karera ng pagyabong.

Si Yorme Isko ang pag-asa at sagot sa pagbabago at pagbangon ng dumadaing na siyudad ng Maynila.(BP)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">