Advertisers
MAGSISIMULA na sa Lunes, November 18 ang aplikasyon ng Gun Ban exemption para sa Eleksyon 2025.
Pahayag ng Commission on Elections (COMELEC), lahat ng exempted sa gun ban para sa darating na eleksyon ay dapat mag-apply para mabigyan ng certificate of authority na gagamitin upaang payagan na magdala ng baril sa panahon ng eleksyon na magsisimula sa Jan 12 hanggang May 28, 2025.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, ang mga awtomatikong exempted na sa gun ban ay hindi na kailangan mag-apply pa, katulad ng presidente, bise-presidente, mga senador at kongresista, mga miyembro ng gabinete, mga piskal, NBI agents at iba pang mga agarang hindi na kasama sa application.
Siniguro rin ni COMELEC Chairman Garcia na kapag nagpasa nang kumpletong dokumento ay mabilis din na maaaprubahan ang kanilang aplikasyon. Aniya, isang linggo lamang ay maaari ng matapos ang proseso nito.
Ang sino mang lumabag sa gun ban sa panahon ng eleksyon ay makakasuhan ng election offense at maaaring humarap sa mabigat na kaparusahan.