Advertisers

Advertisers

MAAWA NAMAN SANA KAY DE LIMA

0 36

Advertisers

HALOS pitong taon ang nasayang sa buhay ng matikas na abogada at opisyal ng gobyerno na si dating Senador Leila de Lima.

Nang dahil umano ito sa pagiging kritiko sa liderato ni dating Pangulo Rodrigo Duterte mula pa noong alkalde pa ito ng Davao City habang si de Lima naman ay pinuno ng Commission on Human Rights (CHR).

Sa ipinamalas marahil nito bilang matapang, matikas na abogada at opisyal ng gobyerno ay nailuklok ito ng taumbayan bilang Senador sa ginanap na 2016 Elections subalit maya-maya lamang ay nasa loob na siya ng piitan.



Bago pa makulong ang dating Senador ay mayroon din ginanap na mga pagdinig sa Kongreso at Senado patungkol sa bintang na sabit umano siya sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa.

Subalit ang lahat nang iyon ay mapait na kasaysayan na lamang sa buhay ni de Lima dahil sa wakas ay nakuha rin nito ang kalayaan pero masasabi na sayang ang buwis-buhay na ginawa nito.



Sayang talaga dahil natalo naman siya noong 2019 Elections samantalang para sa taumbayan ang ginawa nito kaya nakulong sa piitan ng halos pitong taon kung saan muntik pa itong madisgrasya sa loob ng Camp Crame. Naalala ninyo, taumbayan?

Alam ito ni de Lima dahil hindi na siya nagtangka muli na lumaban para Senador sa susunod na halalan. Kongreso na ang kanyang inaasinta. Nag buwis ng buhay, nawala naman ang kanyang botante… sayang talaga!



Sa sinapit kaya ni de Lima ay maibibigkas pa [kaya] nito ang tanyag na pahayag ng naging kritiko rin ng isang dating Pangulo na nakulong din tulad niya at napatay pa pero sabi niya ay ‘The Filipino is Worth Dying For’?

Ngayon na pilit ginigisa ang matandang Duterte sa Senado at lalo sa Kongreso ay naroon ang presensiya ni de Lima na ginagamit upang gibain ang dating Pangulo – ang dalawang Kapulungan na lumapastangan noon sa dating Senador.

Yung mga mambabatas noon na di na naubos ang tawa habang pinag-uusapan nila sa publiko ang relasyon umano nito kay ‘Joo Nil’ ay sila pa rin ang nariyan pero ngayon ay kakampi na. Nagtitiwala ka ba sa kanila, Sen. Leila de Lima?

***

Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com