Advertisers

Advertisers

14 titser at boy scouts sugatan sa tumaob na trak

0 6

Advertisers

SUGATAN ang 14 katao na kinabibilangan ng mga guro at boy scouts nang tumaob ang sinasakyang trak habang binabagtas ang paakyat na kalsada sa Talisa-yan, Misamis Oriental.



Nabatid kay Rene Sina, municipal disaster risk reduction and management office (MDRRMO), na nangyri ang sakuna nang pumalya ang preno ng Elf truck na sinasakyan ng nasa 50 estudyante at mga guro na patungo sa jamboree sa Barangay Sibantang, Talisayan.

Sa 14 sugatan, apat ang nagtamo ng matinding pinsala na agad isinugod sa Ta-lisayan Provincial Hospital, habang nagtamo ng minor bruises ang sampu sa mga biktima.