Advertisers
Napatay ng hindi pa nakikilalang salarin ang kandidato sa pagka-vice mayor ng Tantangan sa probinsya ng South Cotabato nitong Lunes ng umaga, November 18, 2024.
Kinilala ang biktima na si Jose Osorio.
Sa ulat, anim na tama ng bala ang ikinamatay ng biktima nang barilin ng paulit-ulit ng isang lalaki sa isang barangay sa Tantangan, ayon sa ulat ng Catholic Station DXOM sa Koronadal City, hindi kalayuan sa naturang bayan.
Inaantabayanan pa ang kumpletong ulat ng Tantangan Municipal Police Station hinggil sa insidente.