Advertisers

Advertisers

Ilang akusado sa Degamo murder humirit makapagpiyansa

0 11

Advertisers




Naghain ng petisyong makapagpiyansa ang ilang akusado sa kaso ng pagpaslang kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo sa ginanap na hearing sa Manila RTC.

Ayon kay National Prosecution Service Prosecutor General Richard Fadullon, muling ipinagpaliban ang pagdinig sa susunod na taon dahil sa hiling na piyansa ng ilang akusado.

Partikular na tinukoy ni Fadullon sina Marvin Miranda, ang tinuturong mastermind sa krimen, at ang magkapatid na Palagtiw na mga umano’y lookout sa naganap na pagpaslang.

Hindi naman na magsusulat ng mosyon ang prosekusyon para harangin ang petisyon.

Ang karaniwan nilang ginagawa sa mga ganitong sitwasyon, ayon kay Fadullon ay ang ihanda ang mga testigo para mapatunayan sa korte na matibay ang mga ebidensya laban sa mga akusado.

Sa ganitong paraan aniya nila mapipigilan ang posibleng pagpayag ng korte na makapagpiyansa ang mga ito.

  • Nitong Huwebes ay sinamahan ni Negros Oriental Mayor Janice Degamo ang mga testigo sa Department of Justice sa kanilang paghahanda para sa susunod na pagdinig na nakatakda sa Enero 2025.(Jocelyn Domenden)