Advertisers
IPINAGDIRIWANG ng AirAsia ang 23 taon ng kadakilaan na may eksklusibong 23% na diskwento sa mga flight sa mahigit 130 destinasyon sa malawak nitong network.
Magiging available lang ang sale mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 1, 2024.
Kabilang dito ang mga discounted flights para sa paglalakbay sa pagitan ng Enero 6 at Hunyo 30, 2025, na may higit sa seven million discounted seats para makuha.
Nag-aalok ito sa mga manlalakbay na mag-ayos ng mga summer trip o mga biyahe pagkatapos ng holiday season, na may iba’t ibang sikat na ruta gaya ng Tokyo, Hong Kong, Seoul, Cebu, Iloilo, at Bohol na mapagpipilian upang matugunan ang kanilang mga kagustuhan sa paglalakbay.
Bilang bahagi ng ika-23 na pagdiriwang ng kaarawan nito ng abot-kayang paglalakbay, ang World’s Best Low-Cost Airline ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga manlalakbay na magplano ng kanilang mga biyahe nang maaga habang nag-iipon ng malaki para sa iba pang gastusin sa holiday – lalo na’t malapit na ang Pasko.
Ayon kay AirAsia Philippines Communications and Public Affairs head Steve Dailisan, sa loob ng 23 taon, ang AirAsia ay palaging nakatuon sa pag-aalok ng pinakamahusay na halaga ng mga deal. Ito ang kanilang paraan ng pasasalamat sa mga bisita para sa kanilang patuloy na suporta sa AirAsia.
Idinagdag ni Dailisan na para sa mga Pilipino, ito ay dumarating sa perpektong oras, lalo na para sa mga nangangarap na maglakbay kasama ang kanilang mahal sa buhay upang ipagdiwang ang milestone.
Kasabay nito, inaasahan ng AirAsia na ang interes sa paglalakbay ay patuloy na tataas dahil ang mga presyo ng fuel surcharge ay inaasahang mananatili sa Level 4 sa Disyembre.
Ipinagdiwang din kamakailan ng airline ang isang malaking tagumpay sa World Travel Awards (WTA), na nanalo ng mga titulong ‘World’s Leading Low-Cost Airline’ at ‘World’s Leading Low-Cost Airline Cabin Crew’ para sa ika-12 taon at ika-8 magkakasunod na taon, ayon sa pagkakabanggit. (JOJO SADIWA)