Advertisers
Tila tengang kawali si Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa kahilingan ng mga kaanak sa mga kalansay o labi na hinukay sa Barangka Cemetery Marikina City.
Ayon kina Ruben Labado at Joel Estolanio at iba pang kaanak, sumulat sila kay Mayor Teodoro para tulungan sila na mabawi ang mga kalansay na pinagsisilid na lamang sa sako.
Anila, dobleng pasakit ang nararanasan nila ngayon, bukod sa hinukay ng walang abiso ay hirap din nilang matukoy ang kalansay na ponagsama-sama sa lalagyan sako.
Mula umano ng mahulay ito sa Barangka Cemetery ay humingi na sila ng saklolo sa lokal na Pamahalaan ngunit walang tulong mula rito.
Wala din umanong tugon si Teodoro kung kailan pwedeng makuha ang mga kalansay o buto ng mahal nila sa buhay.
Kapwa nila pina-recieved ang liham sa opinina ni Teodoro at Marikina health office.
Anila, labag din o taliwas sa Marikina City Ordinance na pinaiiral ang paghukay sa mga buto ng walang abiso sa mga kaanak.