PAHIYA si dating Pangulo Rody “Digong” Duterte sa kanyang panawagang “military action” laban kay Presidente “Bongbong” Marcos, Jr.
Sinabi ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang military ay isang professional organization na ang pangunahing mandato ay protektahan ang bansa at mamamayan, hindi ng iilan o mga politiko (tulad ng Dutertes).
Sinabi rin ng AFP, nakahanda silang makipagtulungan sa ongoing investigation ng House Quad Committee sa maling paggamit sa confidential at intelligence funds ng Office of the Vice President (OVP) at ng Department of Education (DepEd) na pinamumunuan noon ni Vice President Sara Duterte-Carpio.
Sa pag-iimbestiga ng House Quad Comm sa Special Disbursing Officer (SDO) ng OVP at DepEd, nabunyag na ang P125 million, na bahagi ng binubusising P612.5 million confi at intel funds ni VP Sara, ay winidro ng SDO at ibinigay sa security officers ni VP Sara na sina Colonel Raymund Dante Lachica at Col. Dennis Nolasco, mga opisyal ng Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG).
Balikan natin ang panawagan ni Digong na “kudeta” laban kay Marcos.
Sa puntong ito ay maaring makasuhan si Digong ng ‘inciting to sedition’ sa pag-udyok sa militar at sa taumbayan para ibagsak ang gobyernong Marcos Jr.
Nagsimula lang naman ang lahat nang ito nang mabuking sa Quad Comm investigation na nauwi lang pala sa lahat ang confi at intel funds ni Sara sa OVP at sa DerpEd noon.
Sa audit report ng Commission on Audit ay nakitang wala manlang naging accomplishment ang OVP at DepEd sa nalustay na P612.5m confi at intel funds. Wala rin silang maipakitang resibo kung saan ginamit ang napakalaking halaga ng taxpayers money.
Ang Chief of Staff (COS) ni VP Sara na si Atty. Zuleika Lopez at Special Disbursing Officer na si Gina Acosta ay kapwa naospital nang imbestigahan ng Quad Comm. Nanginig ang mga ito sa pagsisinungaling! Hindi kasi nila maaring baliin ang mga dokumento mula sa COA na pirmado mismo nila.
Kaya gumawa ng matinding drama si VP Sara, siguro para mapigil ang imbestigasyon at mailihis ito sa ibang isyu. Pinagmumura niya sina PBBM at kanyang First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez. Nagyabang pa itong nag-hire na siya ng papatay kina PBBM, Liza at Martin sakaling may masamang mangyari sa kaya.
Samantalang ang kanyang ama naman, si Digong, ay nagyabang na umiikot ito sa buong bansa para manawagan ng “peace rally”, at nang walang sumama ay nanawagan naman sa militar na umaksyon laban sa “adik na presidente”. Hehehe…
Pero tinabla ng AFP ang panawagan ni VP Sara, sa halip ay binawasan ang security nito.
Pinalitan din ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng opisyal ng pulisya sa Davao region.
Abangan natin kung ano pa ang mangyayari at mabubunyag sa napakainit nang imbestigasyon ng Quad Comm sa grabeng katiwalian ng nakaraang administrasyong Duterte at sa kasalukuyang liderato ng OVP.
Subaybayan!
***
Nag-file ng disbarment complaint laban kay VP Sara si disbarred lawyer Larry Gadon sa Korte Suprema nitong Miyerkoles.
Nag-file naman ng impeachment case laban kay VP Sara si dating Senador Antonio Trillanes.
Si Gadon ay isang Marcos loyalist, habang si Trillanes ay mortal na kritiko ng Dutertes.
May mga nagsampa narin ng patong patong na kaso laban kay VP Sara pari sa mga opisyal nito na naglabas ng P612m confi at intel funds ng OVP at DepEd.
Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa mga Duterte sa mga kinakaharap nilang problema ngayon. Araguy!!!