Advertisers

Advertisers

HVI huli sa P374k shabu sa Valenzuela

0 100

Advertisers

Kulong ang isang tulak ng illegal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P300k halaga ng shabu nang maaresto sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang suspek na si alyas “Dondon”, 46, ng Brgy. Marulas.

Sa ulat, 7:55 ng umaga nang maaresto ang suspek sa Arkong Bato Park sa M.H. Del Pilar, Brgy. Arkong Bato.



Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Cayaban na nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 55 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P374,000.00, at buy bust money.

Sasampahan ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 (Sale) at 11 (Possession of Dangerous Drugs) sa ilalim ng Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.(Beth Samson)