Advertisers

Advertisers

Pastor nakuhanan ng P10.3m shabu at marijuana

0 10

Advertisers

Arestado ang isang Pastor nang makakuhanan ng P10.3 million halaga ng shabu at marijuana ng mga elemento ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNPDEG) sa isinagawang operation sa Lumban, Laguna, nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang mga suspek sa mga alias Pastor, Carding, Karding at Ojab, 60-anyos, taga E. Rana St Brgy. Maytalang 1, Lumban, Laguna.

Ayon kay BGen Eleazar Matta, Dir PNP DEG, 10:55 ng umaga nang magsagawa ng operation ang mga elemento ng PNPDEG Special Operation Unit 4A at Lumban Police sa Brgy Maytalang 1, Lumban, Laguna.



Isinagawa ang opersyon sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Hon. Agripino R. Bravo, Executive Judge, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Lucena City, Quezon noong Nov 26, 20224.

Narekober ng mga operatiba sa mga suspek ang 1,510 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P10,268,000 at 301 grams ng dried marijuana leaves na nagkakahlaga ng P37,625.00.

Nasa kustodiya ng PDEG ang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002. (Mark Obleada)