PBBM, Mayor Honey namahagi ng Pamaskong regalo sa Manila’s Boys’ Town Complex
Advertisers
MAAGANG dumating ang Kapaskuhan sa mga wards ng Manila city government-run Boys’ Town Complex sa Marikina, matapos na personal na mamahagi ng mga regalo ang mismong Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at Manila Mayor Honey Lacuna nitong Lunes.
Ang pagbibigay ng regalo sa Boystown ay naganap matapos ang pamimigay ng ayuda ng Pangulo at alkalde sa may 2,000 pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa sunog sa Isla Puting Bato sa Tondo.
May 4,000 packages ang ibinigay sa wards at maging sa mag-aaral at mga kawani ng Valeriano E. Fugoso Memorial School na nasa loob mismo ng Boys’ Town complex kung saan 166 ang pinagsamang bilang ng mga bata, lalaki at babe habang 415 naman ang senior citizens.
Sinabi ni Manila Department of Social Welfare head Re Fugoso, kung saan nasa ilalim nito ang ang operasyon ng nasabing complex , na ang mga wards na binubuo ng homeless children at nakatatanda ay tumanggap lahat ng regalo, pagkain at gamot.
Sa kayang talumpati, pinasalamatan ni Lacuna ang Pangulong Marcos sa kanyang hindi matatawarang suporta sa Lungsod ng Maynila, at sinabi ito ay napakalaking tulong sa kanyang city administration na nag-o-operate sa ilalim ng P17.8 billion utang na iniwan ng pinalitan niyang mayor.
Inanunsyo din niya ang mga plano kaugnay ng kinakailangang renovations para sa nasabing complex para mas lalong kaiga-igaya sa mga wards dito.
Naroon din sa pagtitipon sina Vice Mayor Yul Servo, Marikina Mayor Marcy Teodoro, Marikina Congresswoman Stella Quimbo na sinamahan si Mayor Lacuna sa pagsalubong sa Pangulo at sa pamamahagi ng Christmas gifts mula sa Department of Social Welfare and Development, kung saan ang pinuno nito na si Sec. Rex Gatchalian, ay tumulong din.
Dating pasilidad para sa mga kabataang na nangangailangan ng aruga ang Boystown, hanggang sa ito ay naging care facility na rin para sa mga bata, nakatatanda, persons with disability, at mga indibidwal na inilagay sa kustodiya ng syudad para sa muling pakikisalamuha sa lipunan. (ANDI GARCIA)