Advertisers

Advertisers

San Pascual, Batangas Mayoralty Candidate pinasasagot sa inahing diskuwalipikasyon

0 33

Advertisers

Pinasasagot ng Commission on Elections 2nd Division si San Pascual, Batangas mayoralty candidate Arlene Bantugon-Magboo kaugnay sa inihaing petisyon ni Danilo A. Aldovino laban sa kanya nang padalhan ng summon.

Pirmado ni Atty. Genesis M. Gatdula, Clerk of the Commission ang summon na inilabas noong Nobyembre 28, 2024, at inaatasan si Magboo na magsumite ng isang Verified Answer cum Memorandum sa loob ng limang (5) araw mula sa araw ng pagtanggap nito.



Inihain ang petisyon alinsunod sa Section 78 ng Omnibus Election Code na humihiling na kanselahin ang Certificate of Candidacy (COC) ni Magboo dahil sa umano’y maling impormasyon.

Ayon sa petisyon, na tatlong beses na naging Board Member ng Batangas si Magboo at nagdeklara ng paninirahan sa Barangay San Mateo, San Pascual, Batangas na taliwas sa kanyang dating deklarasyon bilang residente ng Barangay Sta. Mesa, Mabini, Batangas nang tumakbo siya bilang Board Member.

Ang paglipat ng address ni Arlene Bantugon-Magboo sa San Pascual, Batangas para lamang makalahok sa halalan, at wala itong established o genuine ties sa community at hindi niya rin inabandona ang kanyang permanent residence sa 103 Barangay Sta. Mesa at kasalukuyang tirahan sa Barangay Gulibay, Bauan, Batangas.

Ayon pa sa petisyon, basta na lamang sumulpot si Magboo sa San Pascual.

Nakatuon ang petisyon sa kawalan ng sapat na kwalipikasyon ni Magboo sa paninirahan sa San Pascual, na isang mahalagang batayan sa kanyang kandidatura. Itinuturing itong paglabag sa batas na naglalayong tiyakin ang integridad ng halalan.



Ayon sa panuntunan ng COMELEC, ang hindi pagsusumite ng verified answer sa loob ng takdang panahon, maaaring magresulta sa pagresolba ng kaso batay lamang sa ebidensiyang iniharap ng petitioner.

Ang hakbang na ito ng COMELEC, nagpapakita ng kanilang paninindigan na tiyakin ang integridad ng darating na halalan at masigurong sumusunod ang mga kandidato sa mga itinatakdang batas.