Advertisers

Advertisers

Pangilinan suportado ang pagkilos ng gobyerno vs mataas na presyo ng bigas

0 2

Advertisers

Nagpahayag si dating Senador Kiko Pangilinan ng buong suporta sa plano ng gobyerno na magdeklara ng “food security emergency” bilang parte ng mga pagkilos para mapababa ang presyo ng bigas.

Binigyang-diin ni Pangilinan na kailangang ilatag ng gobyerno ang lahat ng posibleng hakbang upang mapababa ang presyo ng bigas, na tinawag niyang “driver” ng paglobo ng inflation rate at mabigat na pasanin para sa maraming Pilipino.



“Buo ang suporta natin sa mga pagkilos ng gobyerno na layong mapagaan ang pasanin ng ating mga kababayan na nakukuba na sa mataas na presyo ng bigas,” ani Pangilinan ukol sa mungkahi ni Kalihim ng Agrikultura Francisco Tiu Laurel Jr. na magdeklara ng food security emergency.

Nakatakdang makipagpulong si Laurel sa mga ahensiyang nasa ilalim ng Department of Agriculture (DA), kabilang ang Bureau of Plant Industry at National Food Authority (NFA), sa Enero 3, 2025, upang suriin ang kalagayan ng suplay ng bigas sa bansa.

Pagkatapos ng pulong, sinabi ni Laurel na kanyang ihahayag kung magdedeklara ng food security emergency bilang hakbang para mapababa ang presyo ng bigas.

“Mahalagang bigyang-pansin ng pamahalaan ang mga hakbang para mapababa ang presyo ng bigas dahil marami na ang umaaray sa napakamahal ng halaga nito,” dagdag ni Pangilinan.

Bilang food security czar mula Hunyo 2014 hanggang Setyembre 2015 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III, matagumpay na naibaba ni Pangilinan ang presyo ng bigas hanggang P3 bawat kilo sa pamamagitan ng mga pagkilos na nagpabagsak sa rice inflation mula 15 porsiyento patungong 0.8 porsiyento sa loob ng isang taon. Ito ang pinakamababang nationwide inflation sa loob ng 20 taon.