Advertisers

Advertisers

Pasahe sa LRT-1 tataas sa 2nd quarter ng taon – DOTr

0 14

Advertisers

INIHAYAG ni Transportation Secretary Jaime Bautista na nakaamba ang pagtaas ng pasahe sa LRT line 1 sa ikalawang quarter ng taon.

Ito ay kasunod sa isinagawang unang pagdinig nitong Huwebes sa inihaing petisyon ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang private company na namamahala sa LRT Line 1.

Ayon kay Secretary Bautista, batay sa kaniyang kaalaman ay aprubado na ng lLRTA board ang dalawang pisong taas pasahe subalita kailangan pa rin ito dumaan sa rail regulatory board para magsagawa ng rekumendasyon para isumite sa DOTr na siyang mag apruba sa hirit na taas pasahe.



Paliwanag ng Kalihim base sa concession agreement sa pagitan ng LRMC at ng DOTr may karapatan ang pribadong sektor na magtaas ng pasahe kada dalawang taon, subject sa pag apruba ng LRTA regulatory unit at ng DOTr.

Taong 2018 nang una nagpetisyon ang LRTA nasundan ito nuong 2020 at nitong 2022 subalit hindi ito naaksiyunan ng ahensiya.

Sinabi ni Bautista may nakikita na rin silang pangangailangan na magtaas ng pasahe dahil tumataas din aniya ang cost of operation ng LRT 1.

Ani Bautista kung maaprubahan ito, magiging epektibo ang taas pasahe sa LRT line 1 sa buwan ng Abril o sa 2nd quarter ng kasalukuyang taon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">