Advertisers

Advertisers

Pekeng pulis nabaril ng tunay na parak

0 25

Advertisers

ISANG lalaking buko vendor, na nagpanggap na miyembro ng Highway Patrol Group (HPG), ang inaresto ng mga otoridad sa aktong nangingikil sa riders at mga dumadaang sasakyan sa Parklane Subd., Barangay San Francisco, General Trias City, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang naaresto na si alyas Lawrence, nasa hustong gulang, ng Phase 1, Parklane Subd. Brgy. San Francisco.

Batay sa ulat, 10:30 ng gabi nang puntahan ng mga pulis ang suspek sa lugar dahil sa mga sumbong na ito ay nagpapakilalang miyembro ng HPG.



Naka-uniporme pa ang suspek ng HPG uniform at naka-jacket din na may tatak ng NBI nang abutan ng mga pulis na nangingikil ng pera sa mga motorista na dumadaan.

Nang sitahin ng mga pulis ay naging arogante ang suspek, sinapak nito si Police Chief Master Sergeant Erlan Demate ng PHPT, Cavite Camp Pantaleon Garcia, Imus.

Nakipag-agawan din ito ng baril kay Demate na aksidenteng pumutok at nasapol sa dibdib ang suspek, na itinakbo sa hospital at kasalukuyang inoobserbahan.

Nahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">