ARESTADO ang isang pasaherong Pinay sa pagbitbit ng cocaine na nagkakahalaga ng P24 million sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinabi ng Bureau of Immigration (BI), ang Pinay ay dumating mula sa Sierra Leone sakay ng isang Ethiopian Air flight sa NAIA Terminal 3, Huwebes ng gabi.
Ayon sa mga awtoridad, napansin nila ang kahina-hinalang flight patterns na ginawa ng Pinay, dahilan para dalhin nila ito sa drug interdiction task group (DITG).
Sa pag-inspection sa kanyang luggage, natuklasan ang kahina-hinalang substances na nakasiksik sa loob ng lining ng apat na handbags at isang suitcase.
Sa eksaminasyon ng Bureau of Customs nakumpirma ang P4.574 kilogram na pulbos ng cocaine na nagkakahalaga ng mahigit P24 million.