Advertisers

Advertisers

Marcos sa taxpayers: Magbayad ng tamang buwis!

0 11

Advertisers

IPINAGMALAKI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakakolekta ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng halos P3 trilyong buwis noong nakaraang taon.

Sa 2025 BIR National Tax Campaign Kickoff sa PICC sa Pasay, sinabi ni PBBM na ang numerong ito ay pinakamataas na naitala sa loob ng dalawang dekada.

Ayon sa Pangulo, nakakolekta ang BIR ng P2.85 trilyon noong 2024 na mas mataas kumpara sa P2.52 trilyon na naitala noong 2023.



Dahil aniya sa koleksyon noong nakaraang taon, kaya nitong makapagpatayo ng higit isang milyong bagong paaralan, halos 200 kilometrong kalsada at 100 rural health facilities. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)