Advertisers

Advertisers

ISKO-CHI NAPROKLAMA NA SA MAYNILA

0 5

Advertisers

PORMAL nang naiproklama ng City Board of Canvassers ng Commission on Elections (Comelec) ang bagong halal na mga opisyales ng Lungsod ng Maynila, Martes ng gabi, May 13 sa kabila ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Sa mga magkakatunggali sa local elections sa lungsod, nag-landslide ang tandem nina Manila Mayor-elect Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at Vice Mayor-elect Chi Atienza.

Alas-8:50 ng gabi nang maiproklama ng City Board of Canvassers si Domagoso sa Session Hall ng Manila City Hall habang 9:06 ng gabi si Atienza.



Muling nakuha ni Yorme ang puso ng Manileño matapos makamit ang kabuuang 530, 825 boto kung saan natambakan ang katunggali na si incumbent Manila Mayor Honey-Lacuna Pangan na nakakuha lamang ng 190,607 boto.

Si Sam Versoza na maagang nag-concede ay164,434 votes ang nakuhang boto sa Maynila.

Hindi naman nalalayo ang bilang na nakuha ni Atienza sa boto na nakuha ni Domagoso matapos magkamit ng 583,124 votes.

Habang 249,538 lamang ang boto ni dating Vice Mayor Yul Servo Nieto.

Ang naturang bilang ng boto ay inilabas as of 7pm nitong Martes.



Sa panayam kay Domagoso, una ay nagpasalamat siya sa buong suporta na ibinigay at muling ipinagkatiwala ng mga batang Maynila, ng mga lolo’t lola sa kanya.
Pinasalamatan din ni Domagoso ang mga Kababaihan ng Maynila, KABAKA ng Maynila at ang mga minamahal na Kaagapay at lahat ng volunteers.

“Marami sa mga kasama namin ang hiningi po na kayo’y magtiwala na we are more than willing to give you government that will give you good governance,” pahayag ni Yorme.

“Ang isang gobyerno na makikinig sa inyo ipaglalaban ng boses niyo— maraming salamat dahil nandito po kami ngayon and makakaasa kayo na sa aming mga pinangako magdedeliver po kami,” dagdag pa ng bagong alkalde ng Maynila.

“I hope in the coming weeks, come enjoin us, let’s rebuild Manila to have a better place for us maybe but the definitely let’s do this for the next generation,” saad ni Domagoso. (Jocelyn Domenden)